Nilinaw ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi umano “official” ang draft report ng Blue Ribbon Committee hinggil sa flood control scam.

“It’s a draft and therefore, not official. If the other committee members have not even read or seen it, it cannot be made public,” paliwanag ni Sotto.

Ito ay matapos maghain si Atty. Marvin Aceron, kasama ang dalawa pang abogado, ng petisyon na humihiling sa full disclosure ng report ng naturang komite.

Ayon kay Sotto, kung hindi pa nakikita o nababasa ng ibang miyembro ng komite ang report ay hindi pa umano ito puwede isapubliko.

Nakasaad sa petisyon ng mga abogado na inilathala na sa media ang draft committee report, pati ang pagbawi nina Senators JV Ejercito, Juan Miguel “Migz” Zubiri, at Sherwin Gatchalian ng kanilang mga pirma mula sa dokumento.

Samantala, ang nakasaad din umano sa draft at partial committee report ng komite ay ang rekomendasyon ng paghahain ng kaso sa mga dati at kasalukuyang mga mambabatas kaugnay sa multi-bilyong pisong flood control scam.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *