Inilibing na si dating Senate President at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City noong Sabado, Nobyembre 22, sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo at human rights lawyers.
Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang arrival honor kay Enrile, na pumanaw dahil sa pneumonia, sa edad na 101, noong Nobyembre 13, dahil sa pneumonia.
Miyerkules, Nobyembre 19, nang isinagawa ang necrological service sa Senado, kung saan nagbigay-pugay ang kasalukuyan at dating mga mambabatas sa minsang naluklok bilang senate president.
Ulat ni Bea Tanierla
