Ipinagdiriwang taun-taon ang International Beer Day tuwing unang Biyernes ng Agosto. Ngayong 2023, pumatak ito ngayong ika-4 ng Agosto.
Ginagawa ang International Beer Day upang magsaya , matikman, at mapag-aralan ang iba’t ibang uri ng beer sa buong mundo. Ito ay itinuturing na ikatlo sa pinaka-paboritong inumin ng lahat sunod sa potable water at tsaa. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng brewing at fermentation ng gawgaw.
Ang karaniwang beer ay may 4 porsiyento hanggang 6 porsiyentong alchohol content subalit may mga brewery na nagpe-ferment ng beer na may alchohol content hanggang 20 porsiyento. Ang lakas ng amats n’yan, ‘di ba?
Samantala, ang taunang selebrasyon ng IBD ay nagbibigay daan sa mga mahihilig sa beer na magtipon at magsaya kasama ang mga kaibigan, pamilya, at kasamahan upang itumba ang kanilang paborting pampa-relax na inumin.
Isa sa mga pangunahing layunin ng pagkilala sa International Beer Day ay upang ipromote ang iba’t ibang klase at istilo ng beer, bukod pa ang pagsuporta sa mga local brewery. Mainam din itong okasyon sa pagpapalawig sa ‘beer culture’, ani organizers.
Taong 2007 nang magsimula ang Internation Beer Day, kung saan isang grupo ng mga magkakaibigan ang nagdaraos ng isang bonggang beer event sa Santa Cruz, California. At mula noon, ang araw na ito ay ipinagdiriwang na sa buong mundo.
Reminder lang: Drink moderately!
Kaya tara ! Tagay na! Cheers!
Balita Pilipinas, Balita Today