Naghahanap ng alternatibong paraan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para solusyunan ang problema sa online gambling sa bansa.
“And we really have to examine what are the options. Ano pa talagang policy natin dapat gawin dito sa illegal gambling? Because it’s not that simple. Ang nagiging sigaw lagi, ban this, ban, ban, ban. Ganito. Example lang. Ano ang nangyari sa e-sabong? Tingnan natin. Natigil ba? Magkano ang pusta sa e-sabong? 50 centimos. So, lahat talaga nadadamay. So, let’s use that as an example. Successful ba ‘yung pag-ban natin sa e-sabong?” pahayag ni Marcos sa press conference sa India nitong Biyernes, Agosto 8.
“Kung hindi, bakit hindi naging success? ‘Yun ang mga kailangan natin pag-aralan. And ngayon, since nakita natin na nagka-problema, paano natin ayusin ‘yung problema, ang solusyon ba ay mag-ban? O iba ‘yung gagawin natin? “ dagdag ng pangulo.
Ayon sa Pangulo, may ginagawa na ngayong “conclave” kung saan kinukunsulta na ang lahat ng partido kabilang na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), mga magulang, mga guro, mga eksperto sa add*ct!on, at maging ang mga pulis para malaman ang epekto sa kriminalidad.
“But in my opinion, ban will not take care of the problem. We have to be a little bit more measured in our response,” giit ng pangulo.
“If it comes down to a ban, then we will ban. But if there are better solutions than a ban, we will take those on,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ulat ni Chona Yu
