Hindi alam ni Vice President Sara Duterte ang rason ng International Criminal Court (ICC) sa pagbabawal kay Honeylet Avanceña, common-law wife ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na mabisita ang huli na ngayon ay nakakulong sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity.
Ayon kay Vice President Duterte, hindi ipinakita sa kanila ng ICC ang papel na nagbabawal kay Avanceña.
“Ang alam ko lang ay mayroong order galing sa ICC na kinansel ang lahat ng kanyang pagbisita. Hindi ko alam kung ano ang rason dahi hindi ipinakita sa amin ang papel kung ano ang rason sa pagbabawal sa pagbisita ni Ms. Honeylet Avanceña,” pahayag ni VP Sara sa San Pedro Cathedral sa Davao City nitong Huwebes, Agosto 7.
Una nang sinabi ni Avanceña, na pinagbawalan na siya ng ICC na mabisita ang dating pangulo dahil sa pagtalakay sa kaso noong Hulyo 19.
Ulat ni Chona Yu
