May kabuuang 19 na senador ang bumotong pabor sa pag-archive ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, habang limang senador ang tumutol dito.
Nauwi sa pag-archive sa impeachment complaint laban kay VP Sara ang ginanap na plenary session ng Senado nitong Miyerkules, Agosto 6, kung saan ilang mga senador ang naghayag ng kanilang mga argumento hinggil sa desisyon ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang impeachment complaint laban sa bise presidente.
Bago magkaroon ng botohan sa ‘motion to archive’ sa naturang impeachment complaint, una nang inihain ni Sen. Rodante Marcoleta ang ‘motion to dismiss’ na layuning ibasura ang impeachment complaint, alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema.
Ngunit ang naturang ‘motion to dismiss’ ay napalitan ng ‘motion to archive’ matapos payuhan ni Sen. Alan Peter Cayetano si Marcoleta na gawin na lang itong ‘motion to archive.’
Kabilang si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa 19 na senador na bumotong pabor sa pag-archive ng impeachment complaint, kung saan ang kanyang dahilan umano ay: “The Senate is not your playground to run after your political enemies. We are not an accomplice in any grand scheme. […] I will never bow to a mob, I will never cower to the shrillest of voices.”
Isa rin si Sen. Imee Marcos na bumotong pabor sa pag-archive ng impeachment complaint: “I vote a resounding yes! […] Galangin naman natin ang Korte Suprema, ‘wag tayong umastang Supreme Court. Supremest pa—wala namang gano’n.”
Ulat ni Jilliane Libunao
