Sa gitna ng palaisipan at paghahanap, biglang may nag-post ng litrato ni Vice President Sara Duterte na tungkol sa isang ginanap na “thanksgiving party” matapos i-archive ng Senado ang impeachment trial nitong Miyerkules, Agosto 6.

Base sa Facebook post ni Attorney Luna Acosta noong Huwebes, Agosto 7, makikitang kasama sa thanksgiving party si VP Sara pati ang kanyang legal team at mga petitioners.

Gayunman, hindi tinukoy ni “Acosta” kung kailan at kung saan kinuha ang mga litrato.
Matatandaang kahapon lamang, hindi matukoy ng tagapagslita ni Vice President Duterte na si Attorney Ruth Castelo kung nasaan ang kanyang amo.

“Thanksgiving celebration with VP Sara Duterte, the legal team and the petitioners who pushed for the dismissal of the impeachment against VP Sara. Ngiting tagumpay! 🎉,” bahagi ng
caption ni Luna.

Ulat ni Chona Yu