(Photo courtesy of Philippine Coast Guard)
Binuo na ng Department of Environment and Natural Resources ang isang grupo ng mga eksperto na magsasagawa ng assessment sa epekto ng malaking reclamation project sa Manila Bay na pinangungunahan ng isang construction company na nakabase sa China, ayon sa ulat ng Bilyonaryo.com.
Ito ay matapos pumalag ang US Embassy sa Manila sa proyekto bunsod ng mga isyu sa kalikasan, seguridad sa lugar, at posibleng anomalya sa mga transaksiyon sa pagpapatupad nito.
“There are concerns not just expressed by the US Embassy but by others as well, not just for the ecology of the possible impacts to the ecology but also for the cultural and historical impacts of the changes that could take place given the history of Manila Bay,” pahayag ni DENR Secretary Maria Antonio Yulo-Loyzaga sa briefing sa Malacanang.
Nakumpirma rin na ang pamilya ni Sen. William Gatchalian ay may kamay din sa naturang proyekto.
Kinastigo ang US government sa reclamation project matapos isama ang China Communications Company sa blacklisted companies ng U.S. Department of Commerce Entity List dahil sa naging papel nito sa pagtatayo ng mga Chinese military structures sa Spratlys Islands na pinoprotesta rin ng Pilipinas at iba pang bansa sa rehiyon.
“We do need a physical oceanographer, we do need a chemical oceanographer, we need a fisheries expert, we need a biologist—marine biologist, we need certain types of engineers in terms of the evaluation of the potential infrastructure that will be introduced,” giit ng kalihim.
Inihayag din ng Yulo-Loyzaga na kinontrata na ng DENR ang Manila Bay Sustainable Development ng mga Pinoy at iba pang environment experts mula sa ibang bansa. Subalit tiniyak niya na ang Philippine team ang mangunguna sa assessment process ng proyekto.
Bagamat batid niya ang economic value ng reclamation, sinabi ni Yulo-Loyzaga na dapat ikonsidera ng gobyerno ang cost-benefit analysis ng proyekto upang madetermina ang pangmatagalang epekto nito sa kalikasan at sa nararanasang climate change sa bansa.
Maari rin, aniyang, madiskaril ang inilatag na emergency response plans ng gobyerno tulad ng “Oplan Yakal Plus” o ang paglubog ng lupa sakaling ilang taon matapos nakumpleto ang reclamation operations.