Binatikos ni Kabataan Rep. Raoul Manuel si Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa ng mag-reshare ang huli ng artificial intelligence (AI)-generated video ng isang estudyante na nagpapaliwanag kung bakit hindi siya sang-ayon sa pag-impeach kay Vice President Sara Duterte.
“Senador ba ‘to? Mabuti pa ang mga bata, nakakaintindi na may mga kayang gumawa at magpakalat ng AI-generated videos para manlinlang ng kapwa,” saad ni Manuel.
“You want justice but your justice is selective,” saad sa caption ng naturang video. Mapapanood din sa video na inilalarawan ng umano’y estudyante na “politically motivated” ang impeachment case laban kay VP Sara.
Tinukoy naman ni Manuel sa kanyang post ang mga detalye sa naturang video na nagpapahiwatig na gawa ito ng artificial intelligence (AI).
“PMAer, na naging PNP Chief at ngayon SENADOR, pero he can’t identify fake news. WTH!!!,” buwelta naman ng isang netizen sa senador.
Ulat ni Jilliane Libunao
