Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes ang paglulunsad nitong Lunes, Hunyo 16, ng “May Huli Ka 2.0,” isang web-based platform na makatutulong sa mga motorista na madetermina kung mayroon silang traffic violation sa ahensiya.
“The inclusion of the MV file number is an added security and protection so that only the vehicle owners can securely check their violations under NCAP,” ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes.
Ito ay may kaugnayan sa pagpapatupad ng no contact apprehension policy (NCAP) sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila, partikular sa EDSA.
Ito ay sa pamamagitan ng paghahayag ng plaka o conduction sticker at motor vehicle file number ng kanilang sasakyan sa portal.
Sa dating website, ipinapasok lamang ng mga motorista ang plate number ng kanilang sasakyan subalit napag-alaman ng MMDA na mayroon itong privacy concern kaya nito ipinursige ang bagong “May Huli Ka 2.0” portal.
Nakasaad din sa website ang step-by-step procedure kung paano gamitin ang website upang madetermina kung mayroon silang traffic violation, ang katapat na multa, at proseso ng pagbayad.
Maaari ring i-contest o kuwestiyunin o umapela hinggil sa traffic citation na iniulat laban sa motorista.
Mayroon ding access ang mga motorista sa detalye tungkol sa mga lokasyon kung saan maaaring magbayad ng multa bukod sa makatatangap ang mga ito ng abiso sa pamamagitan ng SMS at email notification.