Sa panayam nitong Martes, Hunyo 17, kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na may mga government team nang naka-deploy upang magbigay ng tulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng alitan ng Israel at Iran.
Aniya, mayroon pang 14 na OFWs ang nabigyan ng tulong ng DMW, kung saan ang ilan sa kanila ay kasalukuyang nasa temporary accommodations.
Wala namang naitalang bagong nasugatang Pilipino sa kabila ng panibagong pag-atake ng Iran sa Israel.
Samantala, kasalukuyang nasa 25 OFWs na ang nag-kumpirma na nais nilang ma-repatriate, bukod pa sa 85 OFWs na naunang nag-parehistro bago pa lumala ang sitwasyon.
Nilinaw ni Cacdac na isinasagawa na ang proseso ng repatriation, ngunit matatagalan ito dahil sa mga complications tulad ng pagsasara ng airspace at airport restrictions sa mga conflict zones.
Ulat ni Brit Cezar