Nadismaya si Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V dahil sa biglaang paglipat ng Senado sa petsa ng pagpresenta ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte —mula Hunyo 2 sa Hunyo 11.

“Parang may ka-date ka lang pero biglang hindi ka sinipot tapos (sasabihin) ‘pwede bang after one week na lang tayo lumabas?’ Parang ganoon eh, hindi ba?” ayon kay Deputy Majority Leader Paolo Ortega V.

Bagamat maliit lamang ang pagkaantala, sinabi ni Rep. Ortega na nakakadismaya ito lalo na’t matindi na ang paghahanda at excitement ng Kamara.

Inihalintulad niya ang sitwasyon sa pang-g-’ghost’ ng isang ka-date at sinabing: “Naka-ready ka na, nakabihis ka na, tapos hindi pala tuloy yung date mo. Parang ganoon ‘yung feeling… Parang hindi ka sinipot sa usapan.”

Kamakailan lang ay tinanggap ng Kamara ang liham mula kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na nagsasabi na ililipat ang simula ng impeachment trial laban kay VP Sara dahil may mga prayoridad silang dapat tapusin bago matapos ang 19th Congress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *