Sa pagbabalik sesyon ng 19th Congress nitong Lunes, Hunyo 2, hindi pinalagpas ni Sen. Risa Hontiveros ang kanyang privilege speech upang batikusin ang ginawang pagpapaliban sa Hunyo 11 ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa impeachment process kung saan mismo ang huli ang unang nagtakda ng original schedule nito sa Hunyo 2.
“Once we received the Articles of Impeachment, trial by the Senate shall forthwith proceed,” giit ni Sen. Risa Hontiveros sa kanyang privilige.
“Hahatulan tayo ng sambayanan kundi natin gagampanan ang tungkulin na ito sa sambayanan,” dagdag ng senador.
Ngunit bago niya inihayag ang kanyang saloobin tungkol sa sinapit ng impeachment case, nagpaalam muna si Sen. Risa kay Chiz kung maaari niyang talakayin ang sensitibong isyu at naging tugon ng lider ng Senado: ‘Yes, you may!”
Subalit kapansin-pansin din nang sinimulan ni Sen. Risa ang kanyang talumpati ay biglang tumayo at naglakad papalayo sa upuan ng presiding officer.
Gayunpaman, hindi nagpaapekto si Hontiveros at nagpatuloy sa kanyang talumpati.
“Mr. President, the 1987 Constitution demands [the] Senate to continue with the impeachment proceedings already initiated without further delay,” sabi ni Sen. Risa.
“Talagang mandato po ng Saligang Batas ito – klaro at walang kalabuan,” dagdag niya.
Agad namang bumalik si Escudero sa kanyang upuan nang tapos na si Sen. Risa sa kanyang privilege speech.
