Ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang podcast nitong Lunes, Mayo 19, na natagalan ang gobyerno sa paglulunsad ng P20 per kilo rice program dahil umano sa mga imported at smuggled rice.
“Dahil ang nag-i-i-smuggle (ng bigas), mga opisyal din ng gobyerno. Kumikita sila. O ‘di bakit nila papalitan? Sige, pasok lang sila nang pasok,” saad ni Pangulong Marcos Jr.
Aniya, ang mga nag-i-i-smuggle ng bigas ay mga opisyal din ng gobyerno at nagpapapasok lamang sila nang nagpapapasok ng bigas sa bansa dahil kumikita sila rito.
“Hindi nila iniintindi ang production. Hindi nila iniintindi ‘yung sistema. Hindi nila iniintindi ang presyo ng palay, ang presyo ng bigas, ang kikitain ng magsasaka. Wala, walang ganoon,” saad ni Pangulong Marcos Jr.
Samantala, inilunsad ng Department of Agriculture (DA) nitong Mayo ang P20 per kilo rice program at inaasahan na magpatuloy hanggang Disyembre ngayong taon at posible ring tumagal hanggang 2028 sa pagtatapos ng termino ng Pangulo.
Ulat ni Ansherina Baes