Sinabi ng beteranong mamamahayag na si Marites Danguilan Vitug sa kanyang komento sa isang post sa social media na hindi dapat mabahala ang publiko sa posibilidad na makalusot si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial dahil sa pagkakahalal ng mga kaalyado nito sa pulitika sa Senado na lilitis sa kanyang kaso.

“Sara’s bank accounts can be opened to the prosecutors, AMLAC (Anti-Money Laundering Council) will lift the lid on her financial transactions,” ayon kay Vitug.

Naniniwala si Vitug na may posibilidad na maungkat ang mga bank account ni VP Sara sa impeachment trial kung saan maaari diumanong matukoy ang paglilipat ng milyung halaga ng government funds na kinuwestiyon ng mga mambabatas noong kasagsagan ng imbestigasyon ng Kamara.

Kabilang dito ang kontrobersiya sa P612.5 milyong halaga ng confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na dating pinamunuan ni VP Sara.

“These can be matched with the releases of her confidential funds as VP and DepEd sec, apart from showing the vast difference between her SALNs (statement of assets, liabilities, and net worth) and bank deposits,” paliwanag ni Vitug, na kilala sa investigative journalism.

Ang pahayag ni Vitug ay bilang reaksiyon sa ipinost ng Pinoy Pulitzer Prize awardee na si Manny Mogato ngayong Martes, Mayo 20, kung saan inihayag nito ang posibilidad na mapawalang sala si VP Sara sa impeachment bunsod ng pagkakahalal ng mga pro-Duterte candidates sa Senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *