Sa panayam sa kanya ng beteranong broadcaster na si Anthony Taberna sa unang episode ng kanyang podcast, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinanggal na niya ang mga gabinete na hindi niya umano gusto ang trabaho.

“‘Yung mga hindi ako happy (na gabinete), tinanggal ko na,” saad niya sa unang episode ng kanyang podcast.

Ito ay matapos siyang tanungin ng broadcaster kung wala nang sisibaking Gabinete matapos ang 2025 midterm elections. “Kasi marami pong – parang, the people are lusting for blood eh. Parang ganoon po eh.”

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., isa sa warning niya sa mga gabinete na sisibakin sila ay kung hindi maganda ang resulta ng kanilang performance review.

“Dito nga sa ginagawa naming performance review. Iyon ang warning ko sa kanila… Eh kung hindi siya – kung hindi sila nakapag-perform nang mabuti (tatanggalin sila),” dagdag ng Pangulo.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *