Nilinaw ni Supreme Court spokesperson Camille Sue Mae Ting ngayong Martes, Mayo 20, na ang resolution ng Korte Suprema na bawiin ang temporary restraining order (TRO) laban sa no-contact apprehension policy (NCAP) ay para lamang sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa kanya, “effective immediately” ang naturang resolution ngunit maipatutupad lamang ito ng MMDA sa mga major thoroughfares, lalo na ng C5 at EDSA.
Samantala, una nang kinumpirma ni Solicitor General Menardo Guevarra na binawi na rin ng Korte Suprema ang TRO sa naturang polisiya sa mga local government units (LGUs) bagamat wala pa siyang kopya ng naturang resolusyon.
Ayon sa motion na inilabas niya: “Through the NCAP, they have established a mechanism to manage traffic and hold accountable those who abuse their privilege to use our roads. We, therefore, implore this Most Honorable Court to find the NCAP, in accord with our laws.”
Ulat ni Ansherina Baes