Inihayag ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview matapos dumalo sa thanksgiving mass sa Davao City nitong Sabado, Mayo 17, na bagaman ayaw ng kanyang legal team na magkaroon ng impeachment trial laban sa kanya ay handa na ang mga ito para rito.

“They know various ways under the law as a legal recourse for their clients. I told them I truly want a trial because I really want a bloodbath,” saad niya.

Sinabi rin niya sa kanyang legal team na gusto niya matuloy ang impeachment trial laban sa kanya dahil gusto niya umano ng “bloodbath.”

“I don’t have expectations of an acquittal or guilty verdict. For me, I already accepted the verdict whether it is guilty or acquittal. I am already at peace,” dagdag ni VP Sara.

Naniniwala naman siya na hindi tamang simulan na ang pagbibilang ng boto ng mga senador ngayon sa kanyang kaso dahil hindi pa umano nila nakikita ang lahat ng ebidensya at iginiit na tanggap niya na umano ang kahihinatnan ng kanyang trial.

Matatandaang na-impeach si VP Sara sa Kamara noong Pebrero dahil sa kanyang kuwestiyunableng paggastos ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na dati niyang hinawakan.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *