Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), unang natunugan ang pagpasok ng Chinese Research Vessel (CRV) Tan Suo 3 noong Mayo 1 sa karagatang malapit sa Ilocos Norte kaya agad nilang ipinakilos ang BRP Teresa Magbanua na itaboy ang naturang barko palabas ng teritoryo ng bansa.

“As we speak right now, the Chinese research vessel is already some 250 nautical miles off Burgos, Ilocos Norte,” sabi ni Tarriela.

Bago pa man ito makapasok sa Philippine territorial waters, sinabi ni Tarriela na mahigpit na nilang binabantayan ang direksiyon na tinatahak ng Tan Suo 3 kaya agad silang nakapagpadala ng patrol ship sa lugar.

“BRP Teresa Magbanua really made sure that she (CRV Tan Suo 3) will be escorted away out of our exclusive economic zone,” sabi ni Tarriela sa ginanap na press conference ngayong Martes, Mayo 6.

At dahil sa matagumpay na patrol operations ng PCG, tiniyak ng opisyal na nahadlangan nito ang mga Tsino sa pagsasagawa ng maritime scientific research at iba pang aktibidad na walang kaukulang pahintulot mula sa gobyerno ng Pilipinas. (Photo courtesy of Philippine Coast Guard)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *