Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ang kaligtasan ng mga media personnel sa darating na May 12 midterm elections.
Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, bahagi ang aksyon ng pagsisikap na protektahan ang integridad ng demokrasya at maiwasan ang karahasan sa nalalapit na eleksyon.
Samantala, sinabi ni Marbil na itutuloy umano ang pag-iimbestiga sa murder case ng 89-anyos na veteran journalist na si Juan “Johnny” Dayang, na binaril sa Kalibo, Aklan noong nakaraang linggo.
“To harm a nab of his age and stature, in the safety of his own home, is both an affront to human decendy and an attack on the very principles of press freedom he upheld throughout his life,” ani Marbil.
“The Philippine National Police will not rest until those responsible are brought to justice,” dagdag pa niya.