Inihayag ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Ernesto Perez sa press briefing ng Malacañang ngayong Martes, Mayo 6, na nagpadala na sila ng notice to explain sa 431 local government units (LGUs) upang magpaliwanag kung bakit hindi pa sila tumutupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing “streamlined and digitalized” ang lahat ng government processes.
“Meron pong 431 local government units na pinadalhan natin ng notices to explain para i-explain nila kung bakit hanggang ngayon, hindi sila tumutupad sa direktibang ito. Kaya expect po within the week or next week sasampahan po natin ng kaso [ang] about 131 local government units,” saad ni Perez.
“Ito po ang pinaka-epektibong paraan para labanan ang red tape at corruption. For example po ‘yung electronic business one stop shop… dapat lahat ng local government units must be compliant with (this),” aniya.
Sinabi rin ni Perez na mula sa 1,642 LGUs ay nasa 1,403 na ang kanilang na-recognize bilang “partially automated.”
Samantala, unang idineklara ng Pangulo ang buwan ng Mayo bilang “Ease of Doing Business Month.”
Ulat ni Ansherina Baes