Nagbabala si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na maaaring ma-disqualify ang sinumang kandidatong tatanggap ng suporta mula sa mga dayuhan o banyaga para sa Bilang Pilipino 2025.
“Kahit nga po sa former Filipino citizen na hindi na Filipino, therefore, hindi na po sila Filipino. So therefore, foreign nationals na po sila, kaya kahit sila hindi sila pwedeng magbigay ng kahit na anong tulong pinansyal o anumang klaseng tulong sa ating mga kandidato,” ayon kay Garcia.
Sinabi niya ito sa pagdinig ng Senado na pinamunuan ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ngayong Lunes, Mayo 5, kaugnay sa mga umano’y aktibidad ng paniniktik at pakikialam ng dayuhan sa nalalapit na May 12 midterm elections.
Ayon kay Garcia, isa sa mga grounds ng disqualification ang pagtanggap ng tulong pinansyal o anumang uri ng tulong mula sa mga foreign entity o national.