Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga pamilya ng mga biktima na inararo ng sasakyan noong Linggo sa Lapu-Lapu Day Festival sa Vancouver, Canada.
“The Department and the Philippine Consulate General in Vancouver stand ready to extend the appropriate assistance to the bereaved families and will cooperate with Canadian authorities to ensure that adequate support will be provided to our Filipino community,” saad ng DFA.
Inihayag ng DFA at Philippine Consulate General sa Vancouver, ang kanilang kahandaan na makipagkooperasyon sa mga awtoridad ng Canada at magkaloob ng sapat na tulong para sa mga nagdadalamhating kababayang Pilipino.
Ipinagdarasal din umano ng kagawaran ang patuloy na lakas at katatagan ng nasa isang milyong Pilipino sa Canada.
Ulat ni Bea Tanierla