Tinatayang 75 porsyento ng mga Pilipino ang mas gusto ang mga kandidatong matatag na ipaglalaban ang soberanya ng Pilipinas sa gitna ng agresibong kilos ng China sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey commissioned ng Stratbase Group.

Isinagawa ang survey ng SWS mula Abril 11-14, 2025, sa 1,800 respondents sa buong bansa, at may ±2 porsyentong margin of error.

Ipinakita ng resulta na 75 porsyento ng mga Pilipino ang pumabor sa “a candidate who believe that the Philippines must assert our rights against China’s aggressive actions in the West Philippine Sea.”

Gayunpaman, bahagyang bumaba ng tatlong porsyento ang bilang na ito kumpara sa kaparehong survey noong Pebrero ngayong taon.

Samantala, 25 porsyento lamang ng mga Pilipino ang mas gusto ang mga kandidatong hindi naniniwala sa paggiit ng karapatan ng bansa laban sa agresyon ng China sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *