Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Biyernes, Abril 25, ang hiling ng Department of Agriculture (DA) na i-exempt ang P20 per kilo rice program ng gobyerno sa election spending ban na ipinatutupad ng Comelec.

Nilagdaan na ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang Memorandum No. 25-07984 na nagbibigay ng exemption para sa P20 per kilo rice program ng pamahalaan mula sa poll spending ban.

Bukod sa pagbabawal sa mga kandidato na makialam sa proseso ng pagbebenta ng murang bigas, ang mga lokal na pamahalaan na nais makibahagi sa programa ay dapat na mag-apply ng exemption sa Comelec.

Bibigyan din ng “unrestricted access” ang media, civil society organizations, at iba pang interest groups sa pagbebenta ng bigas na dapat isagawa sa pampublikong lugar.

Una nang ipinagbawal ng Comelec ang pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo ng gobyerno simula Mayo 2 hanggang 12 subalit humirit ng exemption si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. para makabili ang mga mamamayan ng murang bigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *