Nagpaalala si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro nitong Biyernes, Abril 25, na mag-ingat sa mga umano’y fake news peddlers na tina-target ang P20 per kilo rice initiative ng administrasyon.

“Mag-ingat po tayo sa fake news peddlers, sinisira ang proyekto, sinisira ang Pangulo, sinisira ang hope, ang pag-asa ng bawat Pilipino,” saad ni Castro.

“Mayroon po kaming pasabi na mag-ingat po na malamang ay may manabotahe sa proyekto pong ito ng Pangulo patungkol po sa bente pesos per kilo or kada kilo ng bigas,” aniya.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang isang video na nagsasabing ang naturang bigas na ibebenta sa naturang inisyatibo ay katulad ng pagkain ng hayop.

Muli namang iginiit ni Castro na ang bigas na ibebenta sa halaganag P20 kada kilo ng administrasyong Marcos ay pareho ng bigas na nabibili sa halagang P33 kada kilo.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *