Iginiit ng kolumnistang si Ramon Tulfo na hindi na dapat ikagulat ang pagdami ng trolls na nagtatanggol sa kampo ng mga Duterte.
“‘Di kataka-taka na magkaroon ng libu-libong trolls ang kampo ng mga Duterte. Dito na lang sa aking FB page kapag ang pinag-uusapan ay ang mga kapalpakan at kabaliwan ni Sara Duterte ay libu-libo[ng] trolls ang kumukuyog sa akin,” inihayag ni Tulfo.
Ayon kay Tulfo, libu-libong online trolls ang sumasalakay sa kanyang Facebook page tuwing tinatalakay niya ang umano’y kapalpakan at kabaliwan ni Vice President Sara Duterte.
“Dalawang malalaking diaryo ang may banner headline tungkol sa mga trolls na pinupondohan ng China. SENATE PROBE SUSPECTS CHINA-FUNDED ‘TROLL FARM’— Philippine Daily Inquirer,” saad ni Tulfo.
“‘Chinese gov’t contracted Makati firm for troll farms’— Philippine Star,” mababasa sa post ni Tulfo.
“May koneksiyon pa rin ang mga Duterte sa China. Isang proof: si Martin Andanar na dating secretary ng Presidential Communications Office o PCO ( dating press office ng Malakanyang) ay nagtatrabaho ngayon sa malaking TV station sa China,” sabi ni Tulfo.
“Another proof: Inamin kamakailan ng isang influencer sa House of Representatives na siya at kapwa niya influencers ay inimbitahan sa China upang “mag-aral.” Ang mga trolls na ito ay mga traydor sa bayan at dapat kasuhan ng treason dahil sila’y mistulang espiya ng China,” dagdag pa ni Tulfo.