Kinuwestiyon ng labor-leader at senatorial candidate na si Atty. Luke Espiritu nitong Huwebes, Abril 24, ang naging pag-endorso ni dating Vice President Leni Robredo sa senatorial candidates na sina Manny Pacquiao at Benhur Abalos.

“Bakit? Bakit sila ang may public declaration of support? Ako nga ok lang na wala eh kahit na ang mayorya ng susuporta sa akin ay supporter ninyo. Pero sana walang mas mataas na privilege ang dalawang ‘to. Di nila deserve,” saad ni Espiritu sa isang Facebook post.

Ipinunto niya ang hindi opisyal na pag-endorso ng dating Vice President sa kanya kahit aniya’y mayorya ng sumusuporta sa kanyang kandidatura ay mga taga-suporta ng dating Vice President.

Ikinabigla naman ng marami ang pag-endorso ni Robredo, na tumatakbo sa pagka-alkalde ng Naga City, kay Pacquiao at Abalos, na parehong miyembro ng electoral alliance ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

“I may be your staunch supporter but not this time Ma’am VP. Good luck on your Mayoralty race at Naga,” saad ng isang netizen.

“She could’ve endorsed Luke Espiritu instead,” giit ng isa.

Ulat ni Bea Tanierla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *