Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs office chief Col. Xerxes Trinidad ngayong Huwebes, Abril 24, ang presensya ng Chinese aircraft carrier na Shandong malapit sa karagatan ng bansa.
“Yes, we have monitored the vessels,” saad ni Trinidad tungkol sa Chinese aircraft carrier na Shandong na namataan malapit sa bansa.
Sumakto umano ang pagkakita ng Chinese warship sa nakatakdang joint sailing exercises sa pagitan ng Pilipinas, US, at Japan ngayong araw bilang bahagi ng taunang Balikatan military exercises sa Maynila at Washington.
Matatandaan na nitong Lunes, Abril 21, ay binatikos ni Chinese foreign ministry spokesperson Guo Jiakun ang joint military drills ng Pilipinas at ng US.
“The Philippines chose to conduct the large-scale military drills with this country outside the region and brought in strategic and tactical weapons to the detriment of regional strategic stability and regional economic prospects, which puts them on the opposite side of regional countries,” aniya.
“China firmly opposes any country using the Taiwan question as an excuse to strengthen military deployment in the region, heighten tensions and confrontation, and disturb regional peace and stability,” dagdag ni Jiakun.
Ulat ni Ansherina Baes