Ibinahagi ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa kanilang Facebook nitong Huwebes, Abril 24, ang mga larawan ng watawat ng Pilipinas sa iba’t ibang opisina ng komisyon na nakalagay na sa half-mast bilang pagsunod sa Proclamation No. 871 (s. 2025) na inisyu ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan nakasaad ang “period of national mourning” para sa yumaong Santo Papa na si Pope Francis.

“In line with Proclamation No. 871 (s. 2025) issued by President Ferdinand R. Marcos, Jr., the national flag shall fly at half-mast from sunrise to sunset from 23 April 2025 to 26 April 2025 in observance of the period of mourning over the passing of His Holiness Pope Francis on 21 April 2025,” saad ng NHCP.

Nakasaad din sa proklamasyon na susundin ng lahat ng mga government offices ang naturang order.

Mananatiling nakalagay sa half-mast ang watawat mula sa pagsikat at paglubog ng araw mula Miyerkules, Abril 23 hanggang Sabado, Abril 26.

“PAALAM AT SALAMAT LOLO KIKO!” wika ng NHCP sa post.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *