Sinimulan na ang prusisyon sa paglilipat ng kahoy na kabaong ng labi ni Pope Francis sa kanyang official residence sa Casa Santa Marta patungo sa St. Peter’s Basilica ngayong Miyerkules, Abril 23.
Pansamantalang ihihimlay ang labi ng Santo Papa sa St. Peter’s Basilica bago ang itinakdang libing nito sa Basilica di Santa Maria Maggiore sa Rome sa Sabado, Abril 26, base sa kanyang kahilingan noong siya ay nabubuhay.
Nakasaad sa huling testament ng 88-anyos na Argentinian pope na siya ay mailibing sa isang “simple tomb” at hindi sa tradisyunal na libingan ng mga pumanaw na Santo Papa sa St. Peter’s Basilica.