Inihayag ni Supreme Court spokesperson Camille Ting na pormal nang naghain ang Korte Suprema ng kasong administratibo laban kay retired Court of Appeals (CA) Associate Justice Isaias Dicdican na isinangkot sa pagpatay sa isang abogado noong 2020.

“Acting on the memorandum of Court Administrator Raul Villanueva dated March 24, 2025, the SC formally charged retired Court of Appeals Associate Justice Isaias P. Dicdican with gross misconduct for his alleged involvement in the murder of Atty. Joey Luis B. Wee,” sabi ni Ting.

Ayon kay SC spokesperson Camille Ting, kasong gross misconduct ang inihain laban kay Dicdican matapos siyang akusahan ng pagkakasangkot sa pagpatay kay Atty. Joey Luis B. Wee.

Si Wee ay pinagbabaril hanggang mapatay ng dalawang gunmen sa loob ng isang gusali sa Cebu City noong Nobyembre 23, 2020 kung saan matatagpuan din ang law office ni Dicdican.

Binigyan ng SC si Dicdican ng 10 araw na non-extendable period simula nang matanggap ang notice upang magsumite ng kanyang sagot sa administrative charges laban sa kanya.

Kapag napatunayang guilty sa kasong inihain laba sa kanya, sinabi ni Ting na mahaharap si Dicdican sa parusang disbarment na magiging dahilan upang hindi siya makatanggap ng pensiyon mula sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *