Naging palaisipan para kay La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V kung ano ang tunay na pakay sa pag-endorso ni Vice President Sara Duterte sa dalawang senatorial bets na sina reelectionist Sen. Imee Marcos; at Las Piñas City Rep. Camille Villar ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, para sa May 12 midterm elections.
“Sino’ng lumapit? Lumapit ba ‘yung Vice President o ang mga kandidato ang lumapit sa Vice President? ‘Yun ang una kong gustong malaman,” sabi ni Ortega.
Subalit bago pa man masagot ang unang misteryo sa “pagbalimbing” ng dalawang kandidato sa pagkasenador, mas malaking misteryo para kay Ortega kung sino sa kanilang tatlo ang unang nakaisip na magpa-endorso kay VP Sara.
Ito ay sa kabila ng obserbasyon ng marami na nasa laylayan ng “Magic 12” ng senatoriables sina Sen. Imee at Rep. Camille base sa sunud-sunod na lumabas na pre-election surveys.
“‘Pag nandoon sila sa striking distance, ‘di po talaga natin masasabi. Depende po sa resulta ‘yan. Kasi nga ‘yung surveys, may ano ‘yan. ‘Yung number niyan hindi pa ganoon kalaki… Para sa’kin ‘yung 9-14, 9-17 baka magkaroon po ng changes banda do’n sa mga ranking na ‘yun,” paliwanag ni Ortega.