Inihayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) director for broadcast Fr. Francis Lucas na may posibilidad na mahalal si Cardinal Luis Antonio Gokim Tagle bilang bagong Santo Papa ng Simbahang Katolika.

“Si Cardinal Tagle, okay naman, pwede siyang manalo pero ang Espiritu Santo magdedesisyon,” inihayag ni Fr. Lucas.

Aniya, mag-uusap ang mga cardinal electors upang talakayin at ilarawan ang mga katangiang dapat taglayin ng bagong pinuno ng Simbahan sa kasalukuyang panahon.

“So hindi naman kampanyahan ‘yun. Usap-usap lang kasi galing sila sa iba’t-bang bahagi ng daigdig. Kaya ‘yun ang pag-uusapan. Pero pagpasok sa conclave, wala na ‘yun. Nakakulong na sila doon. Maghihintay na lang sila ng pagboto ng bawat isang cardinal elector,” saad ni Lucas.

Inanunsyo ng Vatican na pumanaw si Pope Francis nitong Lunes, Abril 21, dahil sa stroke at irreversible heart failure sa edad na 88.

Sa kanyang pagpanaw, inaasahang boboto ang mga cardinal na wala pang 80 taong gulang sa isang conclave para sa pagpili ng susunod na Santo Papa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *