Pumanaw na si Pope Francis sa edad na 88 sa kanyang tahanan sa Casa Santa Marta sa Vatican ngayong Lunes, Abril 21, ayon sa anunsiyo ng Vatican News.

“Dearest brothers and sisters, with deep sorrow I must announce the death of our Holy Father Francis… With immense gratitude for his example as a true disciple of the Lord Jesus, we commend the soul of Pope Francis to the infinite merciful love of the One and Triune God,” saad ni Cardinal Kevin Farrell, Camerlengo ng Apostolic Chamber.

Ayon kay Cardinal Kevin Farrell, Camerlengo ng Apostolic Chamber sa isang video announcement, namayapa ang Santo Papa alas-7:35 ng umaga ngayong araw.

“His entire life was dedicated to the service of the Lord and of His Church. He taught us to live the values of the Gospel with fidelity, courage, and universal love, especially in favor of the poorest and most marginalized,” saad niya.

Matatandaan na na-confine si Pope Francis sa Agostino Gemelli Polyclinic Hospital sa Rome noong Pebrero 14 at lumala ang kondisyon hanggang sa ma-diagnose siya ng mga doktor ng bilateral pneumonia noong Pebrero 18 at nanatili sa ospital ng halos isang buwan.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *