Nanawagan si Sen. Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magmuni-muni ngayong Semana Santa, dahil naniniwala siyang nalilihis na ang direksyon ng administrasyon nito.

“Ang akin kasi, napakasuwerte na naming pamilya, binigyan kami ng pagkakataon ulit na makabalik at linawin ang tunay na legacy, ika nga ng aking ama. Eh ngayon, parang nasasayangan ako dahil eto nga tatlong taon na, eh nauubos ang panahon sa pulitika sa paghihigante, pakikipag-away,” sabi ni Marcos.

“Siguro, ang sasabihin ko na lamang, Holy Week, magmuni-muni tayong lahat, ipagdasal natin na maiwasto ang pagkakamali… Sana mag-isip-isip lang tayong lahat at balikan ‘yung mga turo ng aking ama,” dagdag niya.

“Siguro maintindihan na lamang ako na hindi na tama ang landas ng administrasyon, na nanghihinayang talaga ako. Para sa akin, malaking trahedya sa amin ‘to,” ani Sen. Imee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *