Opisyal nang makikita sa mga digital mapping services ang “West Philippine Sea,” matapos itong pangalanan ng mismong web mapping platform bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Bunga ito ng mga probisyon ng Philippine Maritime Zones Law (Republic Act No. 12064) na inakda at isinulong ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, upang itakda ang pangalan ng “West Philippine Sea”—bahagi ng pagtatanggol ng Pilipinas sa pambansang soberenya.
Maituturing ito bilang malaking tagumpay para sa bansa sa gitna ng patuloy na hamon sa West Philippine Sea, at simbolo ng pagkilalang pandaigdig sa karapatan ng bansa sa mga sakop nitong katubigan.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome