Inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mananatiling epektibo ang mga diskuwento para sa mga estudyante, persons with disabilities (PWD), at senior citizens ngayong Semana Santa.

“Ngayong Semana Santa 2025, ipinapaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang mga estudyante, senior citizens, at persons with disability (PWDs) ay may 20% diskwento sa pamasahe sa lahat ng mga pampublikong transportasyon,” mababasa sa public advisory ng LTFRB.

Sa isang public advisory, sinabi ng LTFRB na ito ay alinsunod sa Republic Act Nos. 11314 at 10754.

Ipinayo rin ng LTFRB sa mga pasahero na ipakita ang kanilang school ID, senior citizen ID, o PWD ID upang makakuha ng diskuwento.

Iginiit din ng ahensiya na ang student discount ay dapat ipatupad kahit holidays, semestral break, at weekends.

Idiniin pa ng LTFRB na ang mga operator, at hindi ang mga driver, ang dapat na sumagot sa diskuwento alinsunod sa LTFRB Memorandum Circular 2025-010.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *