Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro sa press briefing ng Malacañang ngayong Lunes, Abril 14, pinarangalan ang Philippine humanitarian team na tumulong sa search and rescue operations sa mga Pilipino na nasa Myanmar dahil “sa kanilang napakatapang na pagsagupa dito sa kanilang obligasyon.”

Nagpasalamat din umano ang Palasyo sa lahat ng tumulong sa Myanmar at sinabing kapuri-puri ang kanilang mga nagawa.

“Kaya po sa lahat ng nanggaling po at tumulong po sa Myanmar, kayo po ay aming pinasasalamatan. Kapuri-puri po ang inyong mga ginawa,” saad ni Castro.

Matatandaan na niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang Myanmar noong Marso 28 kung saan mahigit 3,000 na ang nasawi at may ilan pang hindi nahahanap.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *