Negative sa paraffin test ang pitong pulis na itinuturing na persons of interest sa pamamaril kay Albuera, Leyte mayoral candidate Kerwin Espinosa, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Abril 15.
Inihayag ni PNP Public Information Office chief Col. Randulf Tuaño na patuloy pa ring iniimbestigahan ang pitong pulis dahil posible pa ring makalusot sa paraffin test gaya umano ng paggamit ng kemikal o pagsusuot ng guwantes bago bumaril.
Nananatili sa ilalim ng restricted custody ang mga persons of interest habang isinasagawa ang imbestigasyon at mahaharap sa kasong illegal possession of firearms matapos mahulihan ng 10 baril kung saan siyam sa mga ito ay walang kaukulang dokumento.
Ulat ni Britny Cezar