Inihayag ni Sassa Gurl sa kanyang X (dating Twitter) na binabawi niya ang kanyang pag-suporta kay dating Commission on Audit (COA) Commissioner at senatorial candidate na si Heidi Mendoza kaugnay sa kanyang paninindigan tungkol sa pagsulong ng same-sex marriage sa bansa.

“Iginagalang ko po ang tindig ni Mam Heidi Mendoza hingil sa usapin ng marriage equality kaya ikinalulungkot ko pong ipinapaalam na binabawi ko po ang aking suporta,” saad ng content creator.

Bukod sa kanya ay naglabas din ng pahayag sina Pipay, Captivating Katkat at Eva Le Queen na iisa rin ang mensaheng ipinaparating.

“Ang delikado pa sa statement ni h/eidi m/endoza is parang pinapalabas niya na hindi na kailangan pa ang SOGIE Equality bill kasi may mga ‘paraan’ naman para mabuhay ang ss couples which is MALI. Maling mali,” wika naman ni Eva Le Queen sa hiwalay na post.

Samantala, naglabas na ng pahayag si Mendoza at nilinaw na bagama’t taliwas sa kanyang pinapanindigang prinsipyo ng pantay-pantay na karapatan, ang kanyang tindig sa same-sex marriage ay hindi hahadlang sa pagsasabatas nito.

“I know that for many of you, my stance on marriage feels like a contradiction to the principle of pantay na karapatan… That is why I am making this clear commitment: I will not stand in the way of same-sex unions becoming law. My job is not to impose personal doctrine. It is to serve justice,” ani Mendoza.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *