Inihayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Biyernes, Abril 11, na handa siyang “protektahan” ang sinumang Pilipino, kabilang na ang mga “kriminal,” sakaling may foreign entity na tangkain silang agawin mula sa bansa.

“Ako, magpapaktay ako kahit na kriminal yan basta Pilipino. Kung aagawin dito sa ating bansa, kababayan ko yan kailangan protektahan ko yan. Magpaktay ako,” sabi ni Sen. Dela Rosa.

“Pero tayo, instead of protektahan yung ating kababayan, hinatid pa natin doon on a silver platter. Napakasakit isipin. Para tayong hindi mga Pilipino nito,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Ito ay sinabi niya sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations na pinamumunuan ni Senator Imee Marcos nitong Huwebes, Abril 10, kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Marso 11.

Ikinadismaya rin ni Dela Rosa ang pagkaka-aresto, pagpapadala, at pagkakakulong ni Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *