Sa isang press briefer, pinuna ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ang pagkahilig ng publiko na palakpakan ang mga pulitiko na gumagawa ng misogynistic remarks.

“Ipinagmamalaki at ginagawang katatawanan, ginagawang joke ang pambababae ng mga kalalakihan, ginagawa ring isyu at katatawanan ang mga rape na sitwasyon, hindi na dapat gawing idolo ang mga ganitong klaseng tao, hindi dapat ito pamarisan, hindi na dapat ito pinapalakpakan,” sabi ni Castro.

“Noon, pinapalakpakan. Parang ipinagbubunyi ang mga kandidato o mga lider na nagsasalita ng walang karespe-respeto lalong-lalo na sa mga kababaihan,” sabi ni Castro.

Aniya, ang mga biro tungkol sa womanizing at r@p3 ay hindi dapat maging normal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *