Ayon kay Dr. Rafael Frankel, Director of Public Policy for Southeast Asia ng social media platform na Meta, sa ika-apat na pagdinig ng House Tri-Committee ngayong Martes, Abril 8, aaksiyunan ng Meta ang mga post sa social media app nila na Facebook na may red-tagging kung ito ay makita ng miyembro ng kanilang internal teams o kapag ito ay nai-report sa kanila.

“We would act on it if (in any case) we were made aware of it. If a member of our internal teams find it they would take action even without a report,” saad ni Frankel.

Ipinaliwanag niya na ang mga red-tagging na nagaganap sa social media ay madalas “nuanced” o hindi umano madaling makita na red-tagging.

Binigyang-diin din ni Frankel na mas maiging gamitin ng mga Facebook users ang mga reporting channels tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Commission on Elections (Comelec) upang mas mabilis na maaksiyunan ng naturang platform ang mga naturang posts.

Inihayag naman ni Rob Abrams, pinuno ng Law Enforcement Outreach ng Meta, na “red line” sa Meta kung ang ginawang red-tagging ay may kasamang “doxxing” o pag-expose ng mga personal na impormasyon ng biktima nito.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *