Narekober ang mga hinihinalang materyales mula sa Commission on Elections (Comelec) na naka-imbak sa isang bahay sa Purok Santo Niño, Dumanlas, Buhangin, Davao City matapos makatanggap ng anonymous tip ang mga awtoridad.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang isang Barangay Administrator mula sa Rosalina 3, Davao City noong Biyernes, Abril 4, mula sa isang concerned citizen tungkol sa mga diumano’y Comelec materials na nakatago sa isang bahay sa Purok Santo Niño, Dumanlas, Buhangin, Davao City.

Agad namang nagsagawa ng inspeksyon ang Davao City Police Office (DCPO) at natuklasan ang mga kahon ng mga solar panel at Wi-Fi transmission equipment na pinaniniwalaang mula sa Comelec Manila na nakatakdang ipamahagi sa Davao Region.

Ipinaliwanag naman ng may-ari ng bahay na pansamantala lamang umanong ipinatago sa kanya ang mga kagamitan sa kahilingan ng isang kamag-anak na kasali sa proyekto.

Batay sa huling ulat, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang lehitimong impormasyon at layunin sa mga kagamitan.

Ulat ni Britny Cezar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *