Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS ) ang mga mamamayan na huwag maniwala sa mga kumakalat na fake news tungkol sa petsa at lugar kung saan tatama ang malakas na lindol sa bansa.
“Wala pang teknolohiya sa buong mundo ang makapagsasabi kung kailan at saan mangyayari ang malakas na lindol,” sabi ng PHIVOLCS sa isang statement.
“Huwag magpadala o mag-forward ng anumang impormasyon na maaring magdulot ng pagkatakot o pagkalito sa mga makakabasa nito,” sabi ng PHIVOLCS sa isang statement ngayong Biyernes, Abril 4.
Ayon pa sa ahensiya, ang mahalaga ay magkaroon ng tama at sapat na kaalaman sa paghahanda upang maging ligtas sa panganib ng malakas na lindol na tinaguriang “The Big One” sa pamamagitan ng pagbisita sa DOST-PHIVOLCS website at mga official social media pages ng kagawaran.