Kasalukuyang viral ang ilang screenshots na ibinahagi ng netizens sa social media kung saan tila ginamit ang Emergency Alert text messages para i-endorso ang ilang mga kandidato sa 2025 midterm elections.

Sa magkahiwalay na screenshot ng Emergency Alert text na natanggap umano ng ilang netizens, makikita na hinihikayat ang recipients na iboto ang kampo ni aspiring Masbate City governor Richard Kho; at ang kampo ni Parañaque mayoral candidate Edwin Olivarez.

Una nang nag-viral ang ganitong text messages noong 2022 national elections, kung saan ang text alerts ay naglalaman ng inisyal ni dating presidential bid at ngayo’y’ Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., gayundin ang hashtag na #BBM2022.

“Most probably, galing ‘yan sa portable cell sites illegally operated. During emergencies kasi, walang communications network available in the area, puwedeng gamitin ‘yan to send information,” paliwanag noon ni dating National Telecommunications Commission (NTC) Deputy Commissioner Edgardo Cabarios.

“Pero kung wala namang emergency at ginamit mo—assuming na ‘yong portable cell sites ay nabili nang tama, hindi illegal ang pagkabili—illegal pa rin ‘yong operation niya kasi wala namang emergency gagamitin mo,” giit pa ni Cabarios.

Ulat ni Bea Tanierla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *