Inihayag ni Undersecretary Ariel Nepomuceno, administrator ng Office of Civil Defense (OCD), ngayong Huwebes, Abril 3, itinalaga ang rescue team upang maghanap sa mga nawawalang overseas Filipino workers (OFWs) sa Jade City Hotel sa Naypyidaw matapos gumuho ang unang dalawang palapag ng gusali dahil sa lindol.

Tinatayang nasa 89 Filipino humanitarian rescue team ang hindi pa inaatasan na tumungo sa Mandalay, kung saan apat na OFWs ang nawawala matapos ang lindol sa Myanmar.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang apat na pawang mga guro na nakatira sa Sky Villa condominium ay nananatiling nawawala matapos ang malakas na lindol noong Biyernes, Marso 28.

Sinabi ni Nepomuceno na ang humanitarian team ay mananatili sa Myanmar hanggang Abril 12, at kung kinakailangan umanong palawigin ang misyon, isang bagong team ang ipadadala pagkatapos ng Abril 12, habang ang orihinal na grupo ay babalik sa Pilipinas.

Ulat ni Britny Cezar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *