Naging palaisipan sa mga motorista ang pagkalat ng link ng diumano’y bagong online portal ng Land Transportation Office (LTO) bagama’t gumagana pa rin ang Land Transportation Management System (LTMS) ng ahensiya.

Lalong ikinagulat ng mga motorista ang kawalan ng impormasyon mula sa LTO o kaya’y sa Department of Transportation (DOTr) tungkol sa diumano’y bagong online portal ng ahensiya.

Kapwa sinubukan ng Pilipinas Today ngayong Huwebes, Abril 3, ang LTMS at ang bagong LTO IT System Online Portal at pareho itong gumagana.

Ito ay sa kabila na ang kontrata ng LTMS, na nasa supervision ng Germany company dermalog, ay balido hanggang Disyembre 2025.

Kapansin-pansin din na may selyo ng LTO, DOTr, at Philippine Transparency Seal ang bagong LTO portal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *