Umabot na sa 1,700 ang nasawi at 3,400 ang sugatan matapos ang pagyaning ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar na itinuturing na isa sa pinakamalakas na lindol na tumama sa bansa sa loob ng isang siglo sa Southeast Asia.

Ayon sa military government, hanggang nitong Linggo, Marso 30, patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi dulot ng lindol na tumama noong Biyernes, Marso 28.

Nagbabala si Senior General Min Aung Hlaing, pinuno ng junta, na maaari pang tumaas ang bilang ng mga nasawi, tatlong araw matapos niyang ipahayag ang panawagan para sa international assistance.

Samantala, iniulat ng mga residente sa Mandalay at Sagaing na wala pa umanong dumarating na tulong mula sa ibang bansa, habang lumalala rin umano ang kakulangan sa kanilang pagkain, tubig, at suplay ng kuryente.

Ulat ni Britny Cezar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *